I. Creative Profile
II. Maka-kapwa ako!
Mula kay Rick Elee Ver D. Dapar
Mula kay Rick Elee Ver D. Dapar
Bilang isang kolehiyong nag aaral ng
Siklohiya, maraming oportunidad ang naghihintay sa akin at walang katiyakan
kung ano nga ba ang aking magiging landas na aking tutunguhin sa
hinaharap ngunit masasabi kong bilang isang HR Manager nais kong mapanatili
ang kahalagahan ng kapwa at nang pagiging Pilipino sa puso
dahil sapagkat dito natin maaring mapanatili ang maayos
at malalim na relasyon tungo sa mga taong nakapaligid sa atin at iyon ay
naghahatid upang mapanatili natin ang kahalagahan ng isang Epektibong mamayanan
bilang Pilipino at may mga bagay akong nais maging paalaala sa mga Dapat natin
ipagpatuloy at mga bagay na dapat na nating putulin sa ating mga kinaugalian at
itoy sa mga sumusunod:
1. Panatilihin ang mabuting pakikipag
kapwa lalo nasa loob ng trabaho.
2. Pagiging patas sa
pagpapasya sa pagkuha sa mga bagong empliyado.
3. Maging maingat sa bawat kilos at
salitang ating binibitawan.
4. Pagbibigay malasakit sa
sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin.
5. Matibay na paninindigan at katapatan
sa atin ano mang oras at sitwasyon.
2 Iwasang ang paninirang puri sa ating
mga katrabaho.
3. Huwag magpikit mata sa mga
katiwaliang nangyayari sa ating paligid.
4. Huwag lagging isipin ang pang
sariling kaligayahan lamang.
5. Huwag kalimutan an gang
pagpapasalamat sa Diyos sa paraan ng pagsisismba.
Ang mga nasabing paalala ay mag
sisislbing gabay sa bawat Pilipino dahil ito’y mainam sa ating kaalaman dahil
kung minsa’y tayo ay nakakalimot na sa mga bagay-bagay na dapat nating gawin sa
hind dapat pa tungkol sa ating sarili, kapwa at sa ating Kapaligiran sa ganitong
paraan mapapanatili natin ang kahalagahan ng pakikipag kapwa tao at mapalalim
pa ang bigkis ng relasyon sa bawat mamamayang Pilipino.
Katutubong Konsepto
(Filipino Values)
Mula kay Iran Rey R.
Vizcarra
Pangalawa ay
ang “hiya”. Ang hiya ay isang paguugali o emosyon na kung saan ay nakakaramdam
tayo ang isang idibibduwal ng pagkatakot o pagdadalawang isip na gumawa ng
isang bagay sa dahilang baka magkamali.
Pangatlo ay ang “utang sa loob”. Ayun
sa aking pananaliksik ang utang na loob ay obligasyon na nararamdaman ng isang
tao na muling bayaran ang isang taong gumawa ng pabor para sayo. Ang
mga pabor na hindi matututmbasan ang halaga o kung may halagang malalim na
dimensyong personal na panloob.
Pangapat ang “pakikisama”. Ano nga ba ang
pakikisama? Ang pakikisama isa iton sa mga importangting Filipino Values dahil
ito ay isang pagkakakilanlan natin bilang mamayang Pilipino.
Ang huli sa ilang
uri ng Filipino Values ay ang Hospitality. Ang hospitality ay malugod na
pagtanggap sa mga bisita at itoy simbulo ng mabuting pakikitungo o pakikisama
sa kanila.
At ayon kay Ayeza Bilugan ang,
Utang na Loob
Lynch (1961) – “walang pagpapahalagang bukod tanging sa Pilipinas lamang makikita.”
-Higit na namamayani ang pagpapahalaga sa Pilipinas
-Unibersal ang konsepto ngunit nabigyang ngalan sa Pilipinas na parang sa Pilipinas lang makikita.
HIYA
Mayroong iba’t ibang klase ng hiya. Nakakahiya, kahiya-hiya, napahiya,walang hiya, etc.
Iisa ang salitang ugat ngunit iba-iba ang kahulugan
Lynch (1961) – “walang pagpapahalagang bukod tanging sa Pilipinas lamang makikita.”
-Higit na namamayani ang pagpapahalaga sa Pilipinas
-Unibersal ang konsepto ngunit nabigyang ngalan sa Pilipinas na parang sa Pilipinas lang makikita.
HIYA
Mayroong iba’t ibang klase ng hiya. Nakakahiya, kahiya-hiya, napahiya,walang hiya, etc.
Iisa ang salitang ugat ngunit iba-iba ang kahulugan
Ito ay ilan lamang sa mga Filipino Values na umiiral padin sa
panahon ngayon na dapat nating pagyamanin at bigyan ng pansin upang mapanatili
natin ang importasya at kulturang sumasagisag sa bawat mamamayang Pilipino.
V. Dear X: Advice Column
Dear Kuya Rick,
Dinala na naman po ang anak ko sa
DSWD kahapon. Labinlimang taong gulang pa lang po siya pero labas-masok na po
siya doon. Napakapasaway po niya, ang hirap kontrolin! Noong isang taon,
tumigil po siya sa pag-aaral kasi hindi na pala pumapasok at puro kompyuter ang
inaatupag.
Noong isang buwan,
nahuli siya ng mga pulis na nagnanakaw ng kable ng telepono at mga manhole sa
may kanto. At kahapon, nakita siya ng mga kapitbahay na pinipinturahan ang mga
dingding nila ng mga imahe nila Bea Alonzo, Sarah Geronimo, at iba pang mga
artista. Tingin ko naman po maganda pero ewan ko ba, pinahuli na naman siya.
Nasasaktan po ako dahil sinisisi ako ng mga kapitbahay ko sa pagiging pasaway
ng anak ko.
Nagmana raw po sa akin. Namamana po ba ang pagiging pasaway?
At ako nga po ba talaga ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganyan? Tinginko
po kasi nababarkada siya kaya nagkaganun. Hindi po ba barkada naman talaga niya
ang may masamang impluwensiya? Ano po ba ang pwede kong gawin? May mga kapatid
po kasi siya e ayaw ko pang matulad sa kanya at maging pasaway din ang iba ko
pang mga anak. Sana matulungan niyo po ako.
Nagmamahal,
Aling
Maria
May ginawa nga bang Pagkukulang si
Aling Maria? Yan ating sasagutin ngayon.
Aling Maria,
Bago po ang lahat ako’y lugod na
nagpapasalamat sa inyong pagsulat sapagkat kayo’y nagtitiwala sa aking
kakayahan na kayo’y aking matulungan sa paraang aking makakaya, naniniwala po
ako na hindi lang po kayo ang dumadanas ng ganitong uri ng problema pagdating
sa ganitong usapin at sa ngayon ay susubukan ko pong masagot ang mga
katanungang tumatakbo sa inyong isipan at nawa’y mabigyan natin ng kasagutan
ang inyong sularin.
Ayon po sa inyong pagkukwento sa inyong
sulat ang inyong anak ay dumadanas na tinatawag nating “delinquency” ito po ay
pagkasangkot sa mga maling Gawain, pagsalungat sa batas at pagiging taliwas sa
lipunan, sa murang edad ng inyong anak na kinse Anyos ito’y matatawag nating
“Juvenile delinquent” ito’y isang hindi pagkaraniwang pagkilos ng isang hindi
pangkaraniwang pagkilos ng isang kabataan at ganon pa man may mga iilang
pag-aaral na ukol ditto upang matulungan ang katulad ng kalagayan ng inyong
anak.
At marahil kayo’y napapaisip kung ano
nga ba ang mga dahilan na naghatid sa inyong anak na pagiging juvenile
delinquent, base sa ilang pananaliksik ito’y may mga salik na naghatid sa
kanila sa kakaibang pag-uugali. Ilan na ditto marahil may malaking impluwensya
ang Individual Factor, Family Factor, Peer Factor, at ang School community
Factor ito ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa pagiging delinquent ng isang
taong dahil ito ang nasa ating paligid kung ang madalas nating maranasan ang
mga bagay na pagtiwalas sa batas o hindi pagsunod sa mga dapat sundin maaaring
ito’y makasanay na maghahatid sa atin na mahubog ang maling kilos o paguugali.
Ngunit sa kabila nito ang pamilya at
barkada ay may malaking ginagampanan. Ang pamilya ay malaking responsibilidad
sa kanilang mga anak dahil sa pamilya nagmumula ang bawat kaalaman ng inyong
mga anak dapat tinuturuan nyo ang kanilang mga anak kung paano kontrolin ang
mga paguugaling di maganda at turuan kung paano irespeto ang karapatan ng iba
at positibong pamamaraan ng pagpapalaki ng isang pamilya dahil sa kanila din
nakasalalay kung ano ang maaaring maging pagkatao ng bawat miyembro ng pamilya
at ganoon din naman sa kaibigan dahil tinuturing ng iba ang kanilang
kaibigan ang sunod sa kanilang pamilya dapat alalahanin ng bawat isa sa loob ng
pagkakaibigan ang kanilang responsibilidad bilang kapatiran at huwag
konsintihin ang maling gawi at ituwid ang mga ito dahil bawat isa sa atin ay
may malaking responsibilidad sa ating kapwa.
Ang tungkulin ng isang magulang at ng
mga kaibigan ay tulungan ang kanilang mga anak at kapwa kaibigan sa
tamang landas at paguugali na dapat nitong isa kilos at isa puso ito’y hindi
lamang sa kanyang sariling kapakanan pero ito rin ay sa ating kapakanan upang
makapagbuo ng matibay na relasyon sa bawat isa sa paraang sa pagpapakita at
pagdadama sa kanila kung ano ang dapat at hindi upang malasap ang tunay na
kahulugan ng buhay na irespeto at mahalin ang isat-isa para sa ikakabuti ng
lahat.
At dito nagtatapos ang aking payo, nawa’y ito ay makatulong upang
mas maintindihan at mapag lalim pa ang relasyon ninyong mag-ina at asahan nyong
pagbubutihin ko pa ang aking trabaho upang mas marami pa akong matulungan na
katulad ninyong na ngangailangan ng payo sa muli ako si Rick, maraming salamat
at Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal.
V. Moving Forward
Mula kay Eldominard B. Padang
1. Ang pinakana-gamit naming na kaalaman at natutunan
sa paksang aming tinalakay ay ang kapwa theory dahil napaka-loob dito kung pano
makisalamuha sa ibang tao at sa hindi ibang tao. Dito sa kapwa theory, ditto
din naming nalaman kung paano makisama sa ibang tao at sa hindi ibang tao. Sa
ibang tao kailangan natin silang pakitunguhan, pakisamahan, pakilahokan,
pakikibagay at pakikisalamuha sa kanila at sa hindi ibang tao ay kailangan
nating makipagpalagayan ng loob, pakikisangkot sa ano mang bagay na ginagawa
nila.
2. Sa pamamaraan ng paggawa ng Slogan katulad ng
Halimbawa:
“TUKLASIN AT PALAWIGIN
PAGKAKAKILANLAN, PAMAMARAAN AT PAG-UUGALI NG MGA PILIPINO TULAY
ANG SIKOLOHIYANG PILIPINO”
Ang “Tuklasin at Palawigin” ay isang pamamaraan upang makatawa o
makapukaw ng atensyon sa mga mambabasa, ang “Pagkakailanlan” itoy isang salitan
mag uugnay upang makilala ang sikolohiya sa pilipinas at ang “Pamamaraan at
Pag-uugali” nilalarawan nito kung ano ba ang nakatatagong likas na katangian ng
mga Pilipino. Sa likod nito makikita natin ang sagisag ng ating watawat at
simbolo ng sikolohiya. Ang watawat ng pilipinas sinimbolo nito an gang pagka
Pilipino ng bawat isa at itoy sadiyang napaka halaga sapagkat ito ang nag dadala
n gating kasaysayan at kultura na sumasagisag sa kasaysayang naghatid sating
pagkakalilanlan at ang saimbolo ng sikolohiya upang ipahatid sa lahat na sa
ganitong larangan ng agham tayo’y may isang yamang maari nating maipagmalaki sa
buong mundo lalo na sa ating kapwa upang maging isang daan tungo sa pag ktuklas
ng mga kaalaman siyang ating maipagmamalaki. Ito’y maarin maging
isang daan upang palalimin pa ng bawat Pilipino ang pagkatuklas at pagbigyan ng
atensyon kung ano bang merong yamang naitatago ng sarili nating talino at likha
sa ganitong pamamaraan madali nating mapupukaw ang dugong nanalaytay sa bawat
Pilipino para magbigay liwanag sa pagkagising nito sapagkat sa mga panahon
ngayon tila tayo’y wari nakakalimot na sa sarili nating kamangha manghang
kontribusyon sa ating bansa maging sa ibang ibayo man. Sa ganitong pamamaraan
tayo’y makakatulon upang maging isang tulay pano ba natin tatangkilin ang
sariling atin at paano ba natin tatangkilikin ang sariling atin at paano ba
natin malalapit ang bawat isa sa kulturang nagbigay ng isang malaking
kontribusyon sa paglalawig ng gating kaalaman hangang sa kasalukuyan at ang
sikolohiyang pilino ay isang malaking daan upang tuklasin pa o mas magbigay ng
higit na kaalaman sa bawat pag-uugaling ating pinakikita sa pagdaan ng panahon
ano na nga ba ang nagbago sa atin at ano na nga ba ang mga bagay na dapat
nating baguhin at ano ang dapat nating pahalagahan at pag-yamin sa ikakaunlad n
gating mga sarili, hindi lamang sa ating pangsariling kapakanan kundi sa kapakanan
ng bansang ating kinabibilangan.
3. Mensahe namin sa aming guro at sa karanasan naming
sa bawat klaseng nagdaan. Nagpapasalamat din kami ng marami dahil sa kanya may
mga bagay kaming natuklasan sa kanyang asignaturang Sikolohiyang Pilipino. Naranasan
din namin kung paano makipag kapwa at makibagay sa ibang tao. Dahil din sa
aming guro nalaman namin ang ugali ng aming kaklase dahil sa pinagawang Box of
me, nilalaman ng box of me ay ang mga ugali. Halimbawa yung mga ayaw nila, mga
ginagawa nila sa araw araw at ang mga kagustuhan nila sa buhay. Naranasan din
namin sa asignatura Sikolohiyang Pilipino kung ano ang kahalagahan nito biling
isang Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento